CHASE May isa pang email na pinadala sa akin si Sofie, pero magkaibang oras at araw ito nang pumasok sa inbox ko. Mabilis kong binuksan ang attachment na audio, pero natigilan ako sa narinig kong usapan sa pagitan ng asawa ko at ni Roxy. Dammit! I didn't expect this from my sister-in-law. Alam kong may bad side si Roxy, pero hindi ko akalain na kaya niyang ipapatay ang kapatid ko, and worst, pati si Ella. At pagkatapos, pinalabas niya na si Sofie ang may kagagawan sa nangyari, pero siya naman pala ang nasa likod ng lahat ng ito. Mahigpit na nakuyom ko ang kamao ko. Nasaktan ko ang asawa ko kagabi at pinag-salitaan ng hindi maganda dahil akala ko siya ang sumaksak at pumatay kay Ella. All along, si Roxy pala ang salarin, maging sa pagpatay kay KD. Malinaw na narinig ko sa audio na pin

