CHASE Dahil wala naman akong gagawin dito sa hospital, kaya minabuti kong umuwi na sa bahay ko. Inutusan ko ang lahat ng mga kasambahay na itapon sa basurahan ang mga gamit ni Roxy dahil ayaw kong magkaroon pa ng kahit anong bakas ng sinungaling na babaeng iyon sa bahay ko. Inipon ko ang mga kasambahay at ang mga security guards ko at sinabi sa kanila na simula ngayon ay hindi na puwedeng pumasok dito sa pamamahay ko si Roxy, pati na rin ang kaniyang mga kapamilya. Otherwise, kapag nalaman kong hindi nila sinunod ang utos ko, mananagot ang lahat sa akin. “Maliwanag ba?” madilim ang ekspresyon na tanong ko sa lahat. “Yes, sir!” sabay-sabay na sagot naman ng mga kaharap ko. “Gusto kong linisin ninyo ang kabahayan at walang natitira kahit hibla ng buhok ni Roxy!” kuyom ang kamao na utos

