CHASE “Anong ibig sabihin nito, Chase?” humihingal na tanong sa akin ni Rolando. Hawak siya ng dalawang armadong lalaki na inutusan kong hulihin siya. Nakaluhod ngayon sa harap ko si Rolando at may tali sa likod ang mga kamay. “Tell me, how did you kill my brother?” matalim ang mga tanong ko sa tatay ni Roxy. Tumayo ako sa harap niya at walang pakundangan na sinipa si Rolando sa dibdib, kaya bigla itong natumba at bumagsak ng pahandusay sa sahig. Wala akong pakialam kahit nakikita ko ang pulang likidong nagkalat sa sahig mula sa katawan niya. Nagpupuyos sa galit na sinipa ko ng paulit-ulit si Rolando. Wala itong nagawa at hindi nakapanlaban sa akin dahil binawi ko na ang leadership sa kaniya. Kahit ang mga tauhan niya na saksi sa ginagawa ko ay tahimik na nakatayo lamang dahil kilal

