SOFIA Four o'clock nang dumating ang wedding planner at coordinator na kinuha ni mommy para sa kasal naming dalawa ni Chase. Naging abala kami dahil hindi lang pala kami basta pipili ng gown na isusuot ko gaya ng inaakala ko, kung ‘di marami pa palang kailangang gawin. From guest list, foods, venue, church at kung ano-ano pa ay kailangan naming pag-isipan. Mabuti na lang talaga at kumuha ng wedding planner at coordinator si mommy dahil kung ako lang ang gagawa nito ay siguradong baka gustuhin ko na lang na yayain na pumunta sa munisipyo si Chase para matapos agad ang kasal dahil sa dami ng gagawin at wala akong tiyaga sa ganitong bagay. “Are you okay, honey?” malambing na tanong sa akin ni Chase habang magkatabi kaming nakaupo dito sa sala. “Inaantok ako, Chase,” humihikab na sagot ko.

