SOFIA Tahimik na nagmamaneho ako pabalik sa bahay habang malalim ang takbo ng isip ko dahil paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang naging usapan naming dalawa ni Benjamin Homes. May bahagi ng isipan ko ang ayaw paniwalaan ang sinabi ng kapatid ni Roxy pero paano kung tama nga siya at nagkamali ako? Paano kung hindi ko pa talaga kilala si Chase at paano kung masyado akong nagtiwala sa kaniya, kaya marami akong hindi nakitang kakaiba sa kinikilos niya? Paano nga ba kung ginagawang scapegoat lamang ni Chase ang pamilya ni Roxy at siya talaga ang totoong pinuno ng Triyani Drug Syndicate ngayon? Napa-iling ako habang nagmamaneho dahil may bahagi ng isipan ko ang ayaw paniwalaan ang mga sinabi ni Benjamin Homes sa akin kanina. I can't trust his words, not this time, dahil saka lang ako

