CHASE Magkasama kaming pumunta ni Roxy sa pribadong silid ng doktor ni Ella. Agad naman kaming pinapasok ng nurse na kasama nito sa loob at sinabing maghintay umano kami sandali. Tahimik naman si Roxy habang nakaupo sa tabi ko at hindi rin ako nagbukas ng kahit anong usapan. Matinding pagpipigil ang ginagawa ko para huwag ko siyang sunggaban at sakalin dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ako. “Mr. Mondragon, good to see you here,” bati sa amin ng lalaking lumapit sa amin ni Roxy. Nakasuot ito ng puting damit at kahit hindi ako magtanong ay sinabi niya sa amin ni Roxy kung ano ang kasalukuyang kondisyon ni Ella. “Tatapatin ko kayong dalawa, Mr. And Mrs. Mondragon. Maselan po ngayon ang kondisyon ng pasyente. Bukod sa malalim na sugat at nabaling buto, ino-obserbahan namin kung n