CHASE Positive, ninety-nine point nine percent ang percentage na nakuha sa DNA testing na isinagawa sa aming dalawa ni Ella. Nanginginig ang mga kamay na hawak ko ang resulta ng ginawang DNA matching sa amin ni Doctor Ventura. Ibig sabihin, anak ko nga talaga si Ella pero paanong nangyari iyon, gayong kahit minsan ay wala akong matandaan na nangyari noon sa aming dalawa ni Roxy? Damn! Shocking sa akin ang rebelasyon na ito, and I don't know exactly how I'm going to react to this dahil kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na anak ko si Ella. “Mr. Mondragon, malinis at mabilis po ang ginawa kong pagsusuri sa parehong blood sample ninyong dalawa ni Ella. I can guarantee you na, one hundred percent ay accurate po ang lumabas na resulta,” sabi ni Doctor Ventura ng tanungin ko siya ku