CHASE Simula ng nalaman kong anak ko si Ella ay naging kaswal ang trato ko kay Roxy. Kinakausap ko lang siya kapag related sa anak ko at naging distant ako sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na itinago niya sa akin ang tungkol dito sa loob ng mahabang panahon. Wala na si KD. Matagal ng patay ang kapatid ko para katakutan niya, kaya may bahagi ng isipan ko ang hanggang ngayon ay nagdududa kung bakit inilihim ni Roxy sa akin ang tungkol kay Ella. Mabuti na lang at naging responsable ako at kahit wala na si KD ay tumayo akong ama ni Ella, kaya hindi siya nangulila at nakaramdam na mag-isa dahil palagi akong nasa tabi niya. Isang linggo na ang nakaraan simula ng ma-confine siya sa hospital. Stable na ang lagay ni Ella pero hindi pa namin siya puwedeng ilabas da