SOFIA Kalalabas ko lang sa morgue nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone na nasa loob ng bulsa ko. I thought, tatawagan ako ni Chase, pero hindi ang pangalan at number niya ang nakita ko sa screen kundi ang isa sa mga trusted na tauhan ko. “Boss, hawak na po namin ang dalawang target namin,” mabilis na sabi ni Ruru mula sa kabilang linya. “Okay, dalhin mo sila sa safehouse,” matigas at kuyom ang kamao na utos ko. “Yes, boss!” Mabilis na naputol ang tawag ni Ruru matapos niyang marinig ang utos ko sa kaniya. Hindi na ako dumaan sa silid ni Roxy dahil wala nang dahilan para puntahan ko pa siya. Hawak na silang dalawa ni Inday ng mga tauhan ko, kaya tuloy-tuloy na akong lumabas ng ospital. Naabutan kong naghihintay sa akin si Ate Em sa tapat ng entrance. Tinawagan ko na kasi

