SOFIA “What do you want, Sofie?” masungit at tila mainit ang ulo na tanong ni Aryan nang sagutin niya ang tawag ko. “Tell me, sino ang pinadala ninyo sa teritoryo ni Chase Mondragon?” pigil ang galit na tanong ko kay Aryan. “Why are you asking me that at this early hour, Sofie? Wala ka na lang ibang maisip na kukulitin, kaya tinawagan mo ako para lang itanong iyan sa akin?” magkasunod na tanong sa akin ni Aryan. “Just answer my question, Miller,” mataray na sagot ko, pero mukhang mainit ngayon ang ulo ni Aryan dahil sinigawan ako ng magaling na lalaking iyon. “Stop asking me about that, Sofie,” walang ganang utos sa akin ni Aryan. “Why not? Kapag hindi mo sinagot ang tanong ko, si Lolo Sabby ang pupuntahan ko para tanungin,” inis na sabi ko sa kanya. “Go and ask him. Papunta rin ak

