SOFIA “Nasagot ko na ang mga tanong ninyo, umuwi na kayo at mag-almusal na ako,” taboy sa amin ni Lolo Sabby. “May hindi ka pa sinasagot, Lolo,” agad na sabi ko sa kaniya dahil kanina ko pa tinatanong ang kaugnayan ni Inday sa kanya, pero paulit-ulit na iniiwasan itong sagutin ni Lolo Sabby. “Wala na, tapos na ang ating question and answer, Sofia,” sabi ni Lolo Sabby. Gumalaw pa ang kaniyang kanang kamay at iwinasiwas ito sa harap ko na para bang inuutusan akong umalis. Bumaling ako sa pinsan ko at siya naman ang tinanong ko. “Aryan, kilala mo ba kung sino ang spy na pinadala ng organisasyon sa teritoryo ni Chase Mondragon?” “No, si Draven ang nakakaalam tungkol d'yan,” mabilis na sagot ni Aryan sa akin. “Oh, si Draven pala ang may alam. Puntahan mo siya sa kaniyang opisina at siy

