SOFIA Mahigpit na niyakap agad ako ni Chase ng sumara ang pintuan at makapasok kami dito sa loob ng silid ko. “I miss you so much, honey,” bulong niya sa akin habang yakap ako ng mahigpit. “Namiss din kita,” nakapikit na sagot ko. Malaya ko nang nayayakap ngayon si Chase. Puwede ko na siyang kausapin ngayon at dahil pumayag na ang aking ama. “I'm happy, Chase. Finally, nalampasan natin ang pagsubok na binigay sa iyo ng mga magulang ko,” emosyonal na sabi ko sa kaniya. “Thank you so much at hindi ka sumuko.” Namasa ang mga mata ko matapos kong sabihin iyon dahil nakita ko naman na hindi naging madali ang lahat para sa kaniya pero heto at nagtagumpay si Chase at okay na kaming dalawa. “I will always fight for you, honey, lalo na ngayong magkakaroon na tayo ng anak,” mahinahon at mal

