SOFIA Dito natulog sa loob ng silid ko si Chase, katabi ko sa ibabaw ng kama. Kanina pa ako gising at pinagmamasdan siya habang mahimbing na natutulog pero hindi man lang siya nagising, kahit malikot ako. I never thought na darating ang araw na mangyayari ito dahil bata pa lang ako ay alam ko na ang ang tungkol sa sigalot ng aming mga pamilya pero heto si Chase, nagawa niyang pumasok sa loob ng bahay ng mga magulang ko at harapin sila para sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa mukha ni Chase habang natutulog siya sa tabi ko. Nakuntento na ako na pagmasdan siya at pinagsawa ko ang mga mata ko sa bawat anggulo ng kaniyang mukha at kahit gusto kong damhin ang init ng kaniyang balat ay hindi ko ginawa dahil ayaw ko siyang magising. Hinayaan ko siyang matulog dahil b

