“We are about to go, babe. Lock the doors, all right?” Lei said and gave a peck on my cheek. Mahigit dalawang oras lang noong nandito rin ako sa pinto para kausapin si Caleb bago siya umalis, ngayon naman ay pauwi na rin sina Donna at Lei. Naghapunan lang kami at pagkatapos ay nagkuwentuhan saglit at noong mag-alas siyete pasado ay tutulak na rin sila pauwi. Si Lei kasi ay pupunta pa sa Makati sa condo ng tita niya para samahan ito, samantalang si Donna naman ay uuwi sa bahay nila. “Ingat kayong dalawa. Just text me if you both got to your destination, okay?” saad ko habang hawak ang seradura ng pinto at akmang mauuna nang maglakad papunta sa gate nang pigilan ako ni Donna “‘Wag na, babe. Okay lang. Dito ka na lang. Kami na ang magsara ng gate mo…” dire-diretsong sabi ni Donna para mapi