“Hi, good evening. Get in.” Pambungad na bati ko sa aking hindi inaasahan na bisita. Wala naman akong magagawa kung hindi ang lumabas at pagbuksan siya ng gate. Kanina noong makita ko sa peephole na siya ang pala ang nag-doorbell ay totoong nagdalawang isip ako kung lalabas ba o magpapanggap na tulog na ako at walang narinig. Pero kalaunan din ay natalo ako ng konsensya ko at binuksan ang pinto, at nagtungo na lang sa tarangkahan para pagbuksan siya. “Tuloy ka…” ani ko pa habang binubuksan ng malaki ang gate. Tinapunan lang niya ako ng tingin bago nagdire-diretsong pumasok at nilampasan ako. Ni hindi man lang ako binati pabalik o kaya ay nagpasalamat na mabuti na lang pinagbuksan ko siya. Napapailing na lang ako at saka nagkibit balikat habang tinatanaw siya na nauna nang maglakad p