Days, weeks, and months passed. Hindi ko namamalayan na mabilis na lumilipas ang araw, may isang buwan na rin akong nag-te-training sa hotel namin. Ganoon din ang mga kaibigan ko na pare-parehong busy matapos ang required na oras para sa OJT. Pero paminsan-minsan ay humahanap naman kami ng oras para magkasama-sama pa rin, hindi naman naging mahirap iyon dahil nasa iisang village lang kami. Mahigit isang buwan na rin ang relasyon namin ni Caleb. Everything is in our favor. Our ship is smoothly sailing. Parati lang masaya. Pagod man sa kani-kanyang OJT pero napapawi naman iyon kapag magkasama na kaming dalawa. Ang isa’t isa ang nagiging pahinga namin. Nandito lang ako sa bahay ngayon, kasalukuyan kasi akong walang pasok. Si Caleb naman as usual nasa training, pero maya-maya lang ay nandit