I tried to forget everything and I succeed. Naisip ko na ang daming problema ng ibang tao na mas mabigat pa kaysa akin. May mga taong walang trabaho at araw-araw naghihirap para may makain tatlong beses sa isang araw. May mga tao rin na may malubhang sakit at may taning na ang buhay pero gusto pang mabuhay. May mga taong nasa bilangguan kahit na wala naman talagang kasalanan. Mayroon ding mga tao na kinulang sa parte ng katawan na patuloy na lumalaban. Mas mabigat ang dinadala nila kumpara sa akin na pinoproblema na agad ang na hindi ako ipinakikilala ni Caleb sa pamilya niya. I thought myself that I shouldn’t get affected with my small problems. Masuwerte pa rin akong maituturing na ito lang ang pagsubok ko. Mabuti na lang din naging busy ako sa OJT ko kaya madaling ituon ang atensyon