Ang bait ng universe sa ibang tao. Iyong iba maayos ang career, may magandang buhay, o kaya kung hindi man sinuwerte sa career ay happily married with kids na o hindi kaya ay engaged na sa taong mahal nila. Samantalang ako mula bata pa lang ay pinagdamutan na. Ngayong nasa edad na ay ang damot-damot pa rin ng kasiyahan sa akin. Para bang ikaw na ang matatakot na maging masaya dahil alam mong may magiging kapalit ‘yon. Ang ikli lang ng panahon na ibinigay sa amin ni Caleb. But those moments with him were my happiest. I love that man so much, but I got hurt too much. Masakit para sa akin ang sabihin sa kanya lahat ng mga binitawan kong salita, pero iyon na lang ang tangi kong magagawa para iligtas naman iyong sarili ko. Gusto ko ring huminga dahil sa tuwing nakikita ko si Caleb ay magkaha