“Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito, Isabelle! Ikaw ang dahilan kung bakit nakaratay ang anak ko sa kamang iyon!” Nanlilisik ang mga mata ni Mommy Loraine habang punong-puno ng luha ang buong mukha. She is blaming me why Caleb is currently unconscious. Kagigising ko lang noong may tumawag sa akin at ibinalita na naaksidente si Caleb. Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng ilang hollow blocks nang sabay-sabay nang malaman ko iyon lalo na noong sinabi nilang hindi maganda ang kanyang lagay. Kaya naman kahit ilang saglit pa lang akong nakakapagpahinga ay nagpasya na akong bumalik sa Pilipinas. Nag-iisip pa lang ako kung paano kong kakausapin si Caleb at kung paano hihingi ng sorry sa kanya dahil hindi ko muna siya pinakinggan. Naka-set pa lang ang oras ng flight ko pabalik pero mas napaag