“Oh, hi! Nandito ka pala, Chelsea!” Unang nakabawi si Kane sa pagkagulat. Kumaway siya kay Chelsea na ngayon ay maganda ang ngiti sa mga kaibigan. “In-invite mo?” Narinig kong bulong ni Donna na nakalapit na pala sa tabi ko. Nakasulyap siya sa mga bagong dating. Ako na lang ang natitirang nakaupo dahil nakatayo na rin pala si Lei sa gilid ko, kaya naman gumaya na lang din ako sa kanila. Hindi na rin ako nakasagot sa tanong ni Donna dahil muling nagsalita si Chelsea. Bahagya kaming lumapit para makinig. “Napadaan lang ako… then, I saw you guys having fun so… uhm, I came in. Bukas naman ‘yong gate…” saad pa niya habang iminumuwestra ang likurang parte. Nagsilingunan naman iyong apat para tingnan iyong gate na ngayon ay nakasara na pero hindi nakakawit iyong pinaka-lock. Habang abala s