“Ay pak! Kaya pala ayaw pang ipakita kanina!” “Ang daya talaga! Bukod kang pinagpala!” Kanina pa akong pinagkakantiyawan nina Donna at Lorelei. Pare-pareho kaming nakasuot ngayon ng swimsuit dahil mag-uumpisa na raw ang laro na pakulo ni Tornado. “Tumigil nga kayo!” Saway ko sa kanila dahil parang palaging bago nang bago. Akmang susundutin ni Donna ang aking dibdib nang makalayo agad ako. Tinampal ko ang kamay niya dahil ang likot. “Ang chill lang, ah?” Pang-aasar pa ni Lorelei. “Tumingin ka sa gilid mo. Kumustahin mo ‘yan!” Hindi ko alam kung bakit sinunod ko nga ang sinabi niya at halos mapasinghap ako nang magtama ang tingin namin ni Caleb. Nakatayo siya sa gilid ko at may madilim na ekspresyon ang mukha. Kitang-kita ko kung paanong umigting ang kanyang panga at nag-isang linya