“Baliw ka ba? Hindi ka naman kasali?!” Hindi ko na napigilan ang kamay ko nang mahampas ko si Caleb sa kanyang braso. Ano’ng sinasabi niya na siya ang papalit kay Kane? Nagulat ako sa naging bungad niya sa akin. Ang ayos na ng usapan kanina. Okay na rin ‘yong laro namin. Hindi naman siya kasali. Tumikwas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Mas gugustuhin mo pa na ang pangit na si Lambert ang humawak sa ‘yo?” Nag-igting ang panga niya at para bang may halong galit ang sinabi. Napaawang naman ang aking bibig. Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla. At saka ano naman kung hawakan ako? Magkakaibigan naman kami rito. Wala namang nasirang puri dahil lang doon. Tsk! “Hoy, grabe naman sa pangit, Logan. Hindi naman ako aangal kung sakaling gusto mong makipagpalit!” Pagsabat ni Ka