“Damn, ayoko na!” Makalipas ang ilang minuto ay nangibabaw muli ang malakas at matinis na sigaw ni Chelsea. Our game continued but minutes later, she fell in the water once again. Halos limang minuto rin yata kaming nagbubuno ni Chelsea sa taas nang dumulas ang kanyang hita sa katawan ni Tornado hanggang sa tuluyang mawalan ng balanse at mahulog sa tubig. Dahil din sa puwersa kaya hindi na niya natantiya pa ‘yong katawan niya. Nagsimulang maglangoy palayo sa amin si Chelsea at ramdam ko ang inis niya sa bawat kumpas ng kanyang kamay. “Hey, sandali lang! Hindi pa tapos, Chels…” Nagtangkang tawagin ni Tornado ang babae kaya lang ay hindi na siya pinansin nito. Natatahimik na tinanaw naming tatlo ang papalayo niyang bulto hanggang sa napailing na lang si Tornado at sumulyap sa amin.