“Sa susunod ‘wag nang sumali ang hindi mga sport sa laro, ha?!” nang-aasar na sabi ni Rusty habang naglalakad kami pabalik sa rest house. “Hmp!” Iritadong nilingon siya ni Chelsea at mabilis ang naging pag-ikot ng mata nito sa ere para irapan si Rusty nang marinig iyon. Akala namin ay tuluyan nang nakaalis si Chelsea ngunit naabutan pa rin naman namin siya nang bumalik kami. Sa tingin ko nga ay may galit siya sa buhangin dahil kada madadaanan niya ay literal na sumasabog sa bawat hakbang niya. “Naglalaro lang tayo para masaya. Bawal mga tampuhin, ha?!” Sulsol pa ni Kane na sinabayan ng tawa. “Shut up you two!” Napamartsa si Chelsea dahil sa inis kina Kane at Rusty. Baliw din kasi ang dalawang ‘yon. Ewan ko ba sa kanila. Alam na nilang naiinis ‘yong isa, lalo pang mang-aasar. Lalo