The pictures Chelsea showed to us were too clear not to identify who’s in there. Lahat kami ay alam na ako ang babaeng nandoon at wala naman akong planong i-deny ito o pagtakpan man lang. “Cat got your tongue, eh?” May ngiting tagumpay si Chelsea habang hindi pa rin kami makapagsalita. Everyone seems dumbfounded. Walang gustong magsalita bukod kay Chelsea na ngayon ay lasap na lasap ang tagumpay base sa ngisi na ibinibigay niya sa amin. Sa katahimikan nilang iyon ay bahagya akong nakaramdam ng kaba at lungkot. Hindi kaya… naniniwala sila kay Chelsea? “Hindi ba at tama ako? Ayaw n’yo lang naman akong paniwalaan dahil puro kayo Isabelle!” Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa ngising nang-aasar ay tumiim ang kanyang panga. “Isabelle na akala n’yo ay santa sa kab