“L-Lance…” mahinang tawag ko sa pangalan ng bagong dating. Akala ko ay maya-maya pa ang uwi niya, since nakipagkita nga siya kina Blake, mga kaibigan niya na from Cebu pa. Noong nakaraang nagkita-kita kami ay dapat pala susunduin nila si Lance noon kaya lang hindi nga siya natuloy. Paalis na dapat si Chelsea pero kitang-kita ko kung paano muling nabuhayan ang ekspresyon ng kanyang magandang mukha. Mabilis na nagpunas siya ng luha at walang pag-aatubili na hinawakan sa braso si Lance. “W-wait…” Lance was contemplating but Chelsea is pulling him with all her might and so eager to bring him to us. Takang-taka naman si Lance habang nakatingin sa babae. “Baby…” I heard Caleb whispered as he hugs my waist and pulls me closer to him. Halos wala nang puwang sa pagitan namin sa sobrang dikit