“Yeah. Just send me the files ASAP. I will see what I can do.” Naglalakad ako sa salas nang marinig kong may nagsasalita kaya sumilip ako sa patio at natagpuan ko nga roon ang pinsan ko na kaharap ang laptop niya. He’s early! Akala ko ay tanghali na siyang magigising ngayon dahil may hangover, pero mas nauna pa sa akin. “Ang tigas ng ulo! Bakit kasi hindi mo inayos agad bago ka nagwalwal kagabi?!” Mahihimigan ang inis sa boses ni Lance. Hmm… sino kaya ang kausap niya para mainis siya nang ganito kaaga? Nakahilig lang ako sa pinto at pinapakinggan ang pinsan. It feels so satisfying seeing him annoyed early this morning. Gusto ko tuloy pasalamatan kung sino man iyong kausap niya. Sa kinatatayuan ko ay hindi ko masyadong masilip kung sino ang nasa screen. Hindi ko rin naman marinig an