“We are here!” Ang malakas na boses ni Donna ang bumulabog sa tahimik at seryosong usapan ng mga kaibigan naming lalaki. Magkakasabay na lumingon ang lima at hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga mukha nila na pare-parehong mga gulat. Para silang natuklaw ng ahas sa mga itsura nila ngayon. Agad na hinanap ako ng mga mata ni Caleb at noong magtama ang aming mga tingin ay hindi ko alam kung nagkakamali lang ba ako, pero nakita ko ang pansamantalang pagguhit ng takot doon. Ngunit pagkaraan lang ng ilang saglit ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi na siyang nagdulot ng paglilikot ng kulisap sa aking sikmura at ang pagkabog ng malakas ng aking puso. I just smiled back at him and tried to act normal as if my insides were not in chaos right now. Baka kapag napansin kami ng mga k