Nagising ako nang maramdamang may humahaplos sa aking buhok. Nang magmulat ng mata ay si Caleb ang agad na bumungad sa akin. Nakaupo siya sa tabi ko habang may nag-aalalang tingin na iginagawad sa akin. “How are you, baby?” he asks in a worried tone. “Still feeling unwell?” Bahagya pang humapdi ang aking mata nang kumurap ako. I think I am still half-awake, can’t believe that he is here. Akala ko kasi ay dumiretso na siya sa school tulad noong tin-ext ko sa kanya kanina. Bumangon ako para makaupo. “Careful…” Agad naman siyang umalalay sa akin, at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Dahil doon ay parang gripong muli ang aking mga mata na nagtuloy-tuloy sa pagluha. I need a hug from my mother, ‘coz I am missing her so much… but somehow, Caleb’s hug can ease the pain and longi