Pagdating ng bandang mga alas singko ng hapon ay nagpasya nang umuwi si Caleb. Nakadalawang movie rin kaming dalawa, ni hindi na nga namin napansin ang oras kaya nagpa-deliver na lang kami ng pagkain dahil wala nang oras na magluto pa. “Are you sure you will be okay here?” He was still hesitant to leave me but I have already told him that it is fine. I have calmed my heart. Okay na ako, siguro nandoon pa rin ang kaunting kirot pero kaya naman. Iniiyak ko nang lahat kanina para pagkatapos ay tapos na. “Hmm…” Tumango ako habang may ngiti sa labi. Isang totoong ngiti. “Magaling ‘yong nag-aalaga.” Pabiro ko siyang kinindatan, agad namang umangat ang sulok ng kanyang labi. Napakamot sa batok bago ako maingat na hinila para yakapin. Isinubsob niya ang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang m