“Which is better, babe?” tanong ni Donna habang hawak sa isang kamay ang isang kulay pula na two-piece swimsuit at sa kabila naman ay iyong kulay mint green. Nandito kaming dalawa sa loob ng kuwarto. We are going to swim so we have to change our outfit into a swimsuit. Namimili si Donna ng kanyang susuotin. Tiningnan kong mabuti iyong hawak niya. Pareho namang maganda pero mas bet ko para sa kanya iyong kulay pula. “The red one, babe. It will surely look great on you.” Nginitian ko siya. Napapalakpak siya at agad na ibinaba iyong isang hindi napili. “All right, babe. Thank you so much.” Hinalikan niya ako sa pisngi bago tumatalon-talon na pumunta sa banyo. “I’m going to change first.” Tumango na lang ako kahit na hindi na niya makikita. Nasa harap kasi ako ng closet dahil tumitingi