“I miss you, baby…” Agad akong napangiti nang marinig ang boses ni Caleb mula sa kabilang linya. “I miss you more. When are you coming home?” Naihilig ko ang ulo sa yakap na throw pillow. Mag-isa akong nandito sa salas. Katatapos ko lang ayusin ang mga pasalubong na inuwi ni Lance para sa akin. Niloloko ko lang naman siya noong sinabi ko na dapat may pasalubong siya pero pagbukas noong maleta ay literal na puro sa akin lang lahat iyon. Ang daming chocolates na siguradong bago ko maubos ay baka may diabetes na ako. He also bought me dresses, bags, and even shoes. May perfume din. Hindi ko na nga alam kung saan ko gagamitin ‘yong mga nanditong bago kong damit tapos nadagdagan pa, pero kahit na ganoon ay sobrang thankful ako sa kanya. Kahit naman walang pasalubong ay okay lang sa akin. Ma