“Here’s your breakfast, baby. Padadalhan na lang kita kay Nanay Ada ng food mamayang lunch para hindi ka na magluto.” Alas sais pa lang ng umaga pero nandito na agad ako sa tapat ng gate para salubungin si Caleb. Linggo ngayon pero kailangan niyang pumunta sa isang site para i-check ang aberyang nangyari roon, pero bago dumiretso sa pupuntahan ay dumaan muna siya rito para dalhan ako ng pagkain. Nakasuot pa nga ako ng pajamas. “I told you, you don’t need to bother. Ang aga mo pa tuloy gumising para r’yan.” Nakangusong tinuro ko ang paper bag na naglalaman ng kung ano man na niluto niya. Sana ay mahaba-haba ang naging pahinga niya. Sigurado na namang mapapagod siya sa trabaho mamaya. Kagabi kasi ay anong oras na rin siyang umalis dito sa bahay. Tapos noong umuwi siya sa bahay ay hindi