“Oo nga pala… have I told you already that Chelsea went here?” maya-maya ay tanong ko kay Caleb. Ini-off ko na ang pinapanood namin dahil wala na rin akong maintindihan. Hindi rin naman papayag ang isang ito na wala sa kanya ang atensyon ko. Wow! Feel na feel ko naman na ang ganda ko sa puntong ‘yon! Nagkuwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa maalala ko ‘yong nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko nabanggit sa kanya noong tumawag siya. “Uhm, no. Wala kang nasabi.” Marahan siyang umiling habnag pinaglalaruan ang daliri ko. Naroroong pagsalikupin niya ang mga kamay namin pagkatapos ay hahalikan niya isa-isa ang daliri ko. Kanina ko pa ramdam ang pag-alon ng sikmura ko dahil sa nagkakagulong mga paru-paro sa loob nito. “So ‘yon nga, nagpunta siya rito…” “Siya ‘yong sinabi