I wake up in a very good and light mood the next morning. Medyo late nga lang akong nagising dahil mag-alas dos na kaming nakauwi ni Caleb kanina. Nag-stay pa kami ng isang oras doon at noong medyo malamok na ay saka kami nagpasyang umuwi. Caleb is now my boyfriend. I feel like I am still dreaming. Itinaas ko ang aking daliri at agad na napangiti nang makita ang kumikinang na bagay na nakasuot dito. It is a gold infinity ring with diamonds around it. Ang bagay na ito ang isang indikasyon na hindi lang ako bastang nananaginip. Na totoo lahat ng mga nangyari kanina. I have now a boyfriend and that named Logan Caleb Coleman! I remained lying in bed, maya-maya na lang ako babangon. Hindi ko inilulubay ang tingin sa singsing at kinapa na lang ang cellphone na nasa bedside table lang naman.