Hindi ko alam kung ilang mura na ang nabuo ko sa aking utak. Ano’ng I already fall ang sinasabi ng isang ito? Nahulog saan? Nahulog sa akin? Oh, god! ‘Wag niya akong paasahin ngayon. Sa buong tatlong taon ay wala na akong ginawa kung hindi ang umasa kaya sana naman ngayon ay hindi na. Hindi rin ako sigurado kung ako lang ang nakarinig nang sinabi niya dahil wala namang naging komento si Lorelei at Tornado na siyang pinakamalapit sa amin. Kung sakali man na narinig nila iyon ay siguradong mas matindi ang magiging reaksyon nila kumpara sa akin. Kung ako ay parang malulunok ang dila, sila naman ay parang mauubusan ng salita kung sakali. Ang iba ay nagsisimula nang asarin si Caleb pero walang bakas ng tungkol sa huling sinabi nito. Siguro nga ay ako lang ang nakarinig noon. And I am dying t