“‘Wag n’yo na pakialaman muna ‘yang dalawa, so ano nga, buddy?” Nawala lang ang atensyon ko kay Caleb nang marinig na magsalita si Rusty. Nakaupo ang huli sa tabi ni Tornado na ngayon ay nakabusangot pa rin. Pati tuloy ako ay naging kuryoso kung ano ang problema niya kay Caleb. Kanina kasi ay si Caleb ang sinisisi niya at hindi ko alam kung bakit. “Parang mga bata…” mahinang turan naman ni Donna. Napapailing na lang siya na kumakain. “Ganito kasi ‘yan…” Nagsimula nang magkuwento si Tornado habang kami naman ay kumakain at nakikinig din sa kanya. “Nakasuot na ako kanina ng puting polo shirt—” “Oo nga. Bakit iba na ngayon?” Pagputol ni Kane sa kuwento ngunit sinamaan lang siya ng tingin ng mga kaibigan namin. “Patapusin mo kaya munang magkuwento?