Chapter Eighty Three

2091 Words

“Ay bakit naman mayroong pa-buko si Belle tapos kami wala? Si Belle lang ba ang anak ng Diyos dito?” Narinig kong malakas na sabi ni Lorelei na nasa tabi ko. Halos mapapikit ako roon. Nagsisimula na naman ang isang ‘to. Ang aga-aga. Siya pa ang magsisimula at siguradong susundan na ito ng pang-aasar ng iba pa naming mga kaibigan. Tsk! Ibinaba ko ang aking kamay at mapinong kinurot ang kanyang hita habang banayad pa ring umiinom ng buko juice para kunwari ay walang nangyayaring kababalaghan sa ilalim. “Ouch! May nangungurot. ‘Yong bukod na pinagpala yata!” dugtong na sabi pa niya habang humahalakhak kaya pati ang mga kasama namin ay sinabayan na rin siya pagtawa. “Gusto rin naman namin ng buko juice pero bakit isa lang ang mayroon?” Napabuntong-hininga si Donna. Halatang nang-aasar a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD