“So what’s making you smile?” Tumikwas ang kilay ni Lorelei habang nakahalukipkip sa aking harapan. Alanganin akong napatawa at agad na napailing. “Ha? Ano’ng smile? Ewan ko nga sa inyo!” Umiwas ako at nagpilit na tumayo ngunit napabalik lang muli ako sa pagkakasandal sa headboard dahil ipininid ako ni Donna roon. Pumunta pa siya sa aking tabi para siguraduhin na hindi ako makakaalis habang si Lorelei naman ay nananatiling nasa aking harapan. “Ano ba ang nangyayari sa inyo?” tanong ko kahit na alam ko naman kung ano ang balak ng mga ito. Sila pa ba? May lahing Marites pa naman ang mga bruhang ito. “I’m asking you… what’s making you smile? Para kang tanga na nakangiti r’yan mag-isa!” Pag-uulit pa ni Lei sa sinabi kanina. Napalabi ako. Grabe ang harsh talaga nila sa akin. “Hindi