“Kumusta ang mga traydor?!” Magkasabay kaming napatingin ni Donna sa pinto at kapagkuwan ay napatawa nang makita ang nakatayong si Lorelei sa hamba ng pinto. Nakapamewang siya na nakatingin sa amin. “Good morning, babe…” Unang lumapit si Donna kay Lorelei para batiin ito. Niyakap niya at hinalikan sa pisngi ang kaibigan namin. “Eww! Traydor!” Inirapan siya ng huli bago magkasabay silang naglakad papunta rito sa kama. Sa halip na mainis ay tinatawanan lang siya ni Donna. Tumayo na rin ako para halikan ang nagtatampong kaibigan. Hinila ko siya paupo sa kama. “Good morning, babe. ‘Wag ka na magalit, please…” Naglalambing na iniyakap ko kamya sa braso niya at inihilig ang ulo sa kanyang balikat. “Hmp! Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ako sa inyo. You just left me with the b*tch!” H