Chapter 58 "Let me hug you.." ani baritonong boses niya. Ni hindi ko nagawang magsalita ng sinugod niya ako ng yakap. Umiiyak ako habang nakasubsob ako sa dibdib niya. Ilang minuto pa ay pumunta siya sa gilid ko para muli akong yakapin at hinalikan ang aking sentido. Parang nakaintindi naman ang bata at tumahan ito sa pag iyak. "Ayaw kitang kausapin, ni ayaw kitang makita ngayon kasi naiinis ako..nagagalit ako sa ginawa mo" humihikbing sabi ko. Nararamdaman ko na ang pagiyak niya. Pero mas pinili nitong manahimik para pakinggan ako. "Diba usapan natin, na kahit ano man yan wala ng lihiman? Bakit ganon, palagi ka na lang sumusuway. Hindi mo ko sinusunod. Hindi ka ba natatakot na mawala ako sayo? Dahil sa paulit ulit mong pagtatago ng katotohanan sakin? Pipilitin kitang intindihin, kahit

