Chapter 55 "Leila, I'll try to convince Brent on visiting my cousin" Napabuntong hininga ako habang nilalaro ko ang maliliit na daliri ni Ayesha mula sa crib nito. Hindi nagsalita si Leila, ang tanging naririnig ko lang ay kaluskos mula sa kabilang linya. "Best? still there?" Napakunot ang noo ko at napahinto ang paghawak ko sa daliri ni Ayesha. Umupo ako sa couch habang pinagmamasdan pa rin ang natutulog na anak. "Uh, yeah.. M-may ginawa lang uhm a-ako. Anyway, sa tingin ko kung ano man ang desisyon ng asawa mo sundin mo na lang. If he'll agree then that's g-good, pero kung hindi wag mo ng ipilit kasi magaaway lang kayo. Knowing Brent, he knew what's best fo-- s**t!" Napakunot ang noo ko ng marinig ang tili niya at nanlaki ang mata ko ng marinig ko na may boses ng lalaki sa kabilang l

