Chapter 54 Halos dalawang buwan na din ng umalis kami sa probinsya. Malungkot si Nana ng magpaalam kami sa kanya, syempre nalungkot din ako dahil hindi ko na sila makakasama pagdating sa Maynila. Ayaw na ng matanda na bumalik pa duon, kahit na pinilit namin siya na sumama at kasama naman ang mga bata ay hindi pa rin ito pumayag. Mas pinili pa rin nitong manatili sa probinsya. Nakapagpaalam naman ako ng maayos kay Caloy at inamin namin ni Brent sa kanya na nagka-ayos na kaming magasawa. Gusto ko sanang makausap ng solo si Caloy pero hindi pumayag si Brent, kada mawawala kasi ako sa paningin nito ay hinanap agad ako. Tinangap naman nito ang katotohan na hanggang kaibigan na lang kaming dalawa at malaki ang pasasalamat ko sa kanya lalo na sa mga panahong wala si Brent sa tabi ko at siya ang

