Chapter 37 Tinititigan ko siya habang seryoso siya sa pagpahid sa labi ko, napalunok ako dahil alam ko hindi na siya natutuwa. Hindi ko na alam tuloy kung ano yung sasabihin ko sa dalawa na kasama namin dahil nahihiya ako sa inasal ng asawa ko. Pero napaisip din ako, hindi naman masasabi ni Brent yun diba kung wala siya nakitang motibo kay Henry, at nung nagkasama kami ni Henry nuong gabi na niligtas niya ko ramdam ko rin na may gusto siya sakin dahil sa mga biro niya pero hindi ko na lang pinansin, ang masama tuloy asawa ko ang nakapansin. “Uh guys, I think w-we should leave.. my party kasi kaming pupuntahan ni kuya” Napalingon ako sa sinabi ni Diane, Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o gusto niya lang din umiwas sa gulo? Tumayo siya at tumingin sakin. Tumayo din ako at n

