Chapter 38 “OKAY! BREAK MUNA!” hiyaw ni Dilan ang nakuha kong partner para sa tango dance competition na gaganapin sa school. Si Leila ang kumuha sa kanya para makapareha ko. Kahit na dalawang araw palang na wala ang asawa ko nami-miss ko na sya, pero masaya ako kasi may napagtutuunan ako ng pansin habang wala siya. Malakas ang pakiramdam ko na kami ang mananalo dahil magaling din si Dilan. “oh sige, kakain kami ni Leila sama ka?” yaya ko sa kanya habang pinupunasan ko ang aking mukha gamit ang towel. “Naku gora ka na, may pupuntahan pa ko. Itutuloy natin yung practice after 2 hours ha? Una na ko sayo” sabi niya sabay kuha sa bag nito na nasa sahig. Bumeso ito sakin bago tuluyang umalis. Busy ako sa pagpusod ng buhok ko ng pumasok si Leila sa dance studio ng school. May bitbit na itong

