Chapter 29 Kanina pa ko nakatulala sa kawalan. Actually kanina ko pa din binabantayan yung pintuan pati ang phone ko. Pero wala pa ring senyales ng pagdating nya. Napabuntong hininga ako. Muli kong kinuha ang phone ko at dinial ang numero nya. The number you dialed is out of coverage area please try again later Shit! Im going crazy! Asan na ba yung lalaking yon! It’s already 11pm pero wala pa rin sya! Hindi man lang makontak! “Damn brent! Open your f*****g phone!” inis kong sabi habang dinidial ulit ang numero nito. Pero hanggang sa magsawa na lang ang daliri ko kakadial hindi pa rin ito makontak. Bumangon ako galing sa kama at lumapit sa bintana para dumungaw. Tanaw ko ang tahimik at malawak naming bakuran. Nagbabakasakali ako na baka matanaw ko ang sasakyan nya pero nagmukha lang