Chapter 30 “hmmmm” ungol ko habang unti unting minulat ang aking mata. Puting kisame.. Iyon ang una kong nakita. Nilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng silid. Nasa hospital nga pala ako. Hindi ko na alam ang nagyari pagkatapos kong mahimatay dahil na rin siguro sa pagod. Napakunot noo ako ng makita sa tabi ko si Henry na hawak hawak ang kamay ko habang nakasubsob ito at natutulog. Ang laki ng pasasalamat ko sa lalaking ito. Dahil kung hindi nya ko tinulungan wala na siguro ako sa mundong ito. Naluluha ako sa kagagahan ko. Sinisisi ko din ang sarili ko sa nangyari. Hindi dapat ako umalis ng bahay. Sana hintay ko na lang ang asawa ko na umuwi. Hindi sana nangyari sakin ito. Wala sana ako sa lugar na ito. Dahan-dahan kong kinuha ang kaliwang kamay ko sa nakadaop nitong kamay