MAX ISANG LINGGO matapos maayos ang gusot sa pagitan namin ni Hunter. Halos bumalik na ang lahat sa normal. Si Maddie ay madalas na kasama ang kanyang lolo at lola. Sinusulit ng mga ito ang mga panahong hindi nila nakasamang lumaki ang kanilang apo. Hinayaan ko na ring sa kanila muna mag-stay si Maddie dahil marami din akong aasikasuhin sa aking shop na iniwan ko kay Bobby kaya madalas ding wala ako sa bahay. Mabuti na iyon at least ay panatag ako na maaalagaang mabuti si Maddie. Hindi rin naman umangal si Hunter kahit na nga ba gusto rin niyang makasama ang kanyang anak. Madami kasi itong tinatapos sa opisina bilang paghahanda sa tatlong buwan niyang bakasyon. Balak kasi nitong magbakasyon kaming mag-anak upang magkaroon silang dalawa ni Maddie nang pagkakataon na makilala ang bawat isa

