MAX I was tapping my foot against the floor while sitting on the long couch inside Hunter's office. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na umalis. Idiniin nitong hintayin namin ang resulta ng test ni Athena. Marahan akong lumingon sa gawi ni Hunter na prenteng nakasandal sa kanyang swivel chair at mariing nakatitig sa akin. Napalunok ako nang magtama ang aming paningin. Hindi ko maiwasang makaramdam nang kaba nang magtama ang aming mga mata. I can see he picked up his phone on my peripheral view. Kunwa'y hindi ako interesado sa kanyang ginagawa ngunit ang buo kong atensyon ay nasa kanya. "Hi Dad," bati niya sa nasa kabilang linya. "Can Maddie stay with you for a couple of days?" turan niya dahilan upang mabilis akong mapabaling sa kanyang gawi. Hindi ko narinig ang tugon ng kanyang

