MAXINE MAGHAPON niya akong hindi kinibo. Kahit nga sa tanghalian ay hindi niya ako sinabayan. Tahimik lamang niyang ihinatid ang pagkain sa cabin kung saan ako naglalagi. Kinahapunan ay hindi na ako nakatiis at lumabas ako ng cabin upang hanapin siya. Natapuan ko siyang nagbabasa ng magazine sa deck habang nakaupo sa mahabang reclining seat. Alam ko naramdaman niya ang presensya ko ngunit sinadya niyang huwag akong pansinin. Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa magazine niyang hawak. "Galit ka pa?" tanong ko. Hindi pa rin ito nagsalita at hindi man lang lumingon sa aking gawi. Patuloy lamang ang pagbuklat nito ng magazine. "Sorry na," lambing ko. Bahagya ko pa itong kinalabit upang mas lalong makuha ang atensyon nito. "First, you doubted me. Then, you accused me of assaulting

